--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahuli sa akto ng 27 anyos na mister ang kanyang 22 anyos misis na may kanakasamang ibang lalaki sa Santiago City.

Ang kinakasama ng babae ay isang Van Driver sa kanilang lugar na hinihinalang nagkamabutian nang sumakay ang ginang sa kanyang byahe.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Santiago City Police Station 2, nagpaalam ang misis sa kanyang mister na magtrabaho sa Tuguegarao City.

Subalit makaraan ang ilang araw may nagparating sa mister na may nakakita sa kanyang asawa sa Santiago City na may kinakasamang ibang lalaki.

--Ads--

Agad kinausap ng Mister ang punong-barangay kung saan nakatira ang magkalaguyo upang magpasama.

Sa pagpunta ng Mister ay nakumpirmang ilang araw nang magkasama ang magkalaguyo sa iisang bubong.

Batay sa salaysay ng misis sa PNP, tatlong buwang nagkamabutihan sila ng kalaguyo hanggang sa isang araw ay magpasyang sumama na lamang sa lalaki.

Bagamat nagdesisyon ang mister na magsampa ng kaso ay iniurong din ito para sa kanilang anak na magdadalawang taon na palaging hinahanap ang kanyang ina.