--Ads--
Nakibahagi sa Dugong Bombo 2025 bloodletting activity ng Bombo Radyo Philippines at Bombo Radyo Philippines Foundation Inc. si Orlando Cristobal, matapos masawi ang kanyang misis noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng dugo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Cristobal na simula ng trahedya ay naging panata na niya ang regular na pag-donate ng dugo upang makatulong na makasalba ng buhay ng iba.
Ayon sa kanya, “Bagama’t may pera ang isang tao, balewala ito kung kakulangan ng dugo ang pinag-uusapan.”
Dagdag pa ni Cristobal, kahit hindi niya kakilala at kahit malayo ang nangangailangan, handa siyang tumulong upang wala nang ibang makaranas ng sinapit ng kanyang misis.
--Ads--











