--Ads--

Gagawa ang Mitsubishi Motors Corporation ng kauna-unahang locally made hybrid electric vehicles (HEVs) sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng naging pagpupulong ni Mitsubishi CEO na si Takao Kato at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace, kung saan tinalakay ang plano para sa lokal na produksyon sa ilalim ng Electric Vehicle Incentive Strategy (EVIS) program.

Ayon sa plano, isasagawa ang produksyon sa planta ng Mitsubishi sa Santa Rosa, Laguna.

Sinabi ni Pangulong Marcos na nagpapakita ito ng tumitibay na kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa at isang mahalagang hakbang patungo sa mas malinis at makabagong transportasyon.

--Ads--

Inaasahan ding makalikha ang proyekto ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at magbigay ng dagdag na pagpipilian sa mga sasakyan. Dagdag pa ng Pangulo, makakatulong ito upang mabawasan ang pagdepende sa gasolina at makapagbigay ng tipid sa mga motorista sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.