--Ads--

Isang key member ng New Peoples Army ang nasawi sa magkasunod na engkwentrong naiutala sa Barangay Allaguia, Pinukpuk Kalinga kahapon araw ng Linggo na ikinasugat naman ng isang sundalo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion ang Officer in Charge ng DPAO, sinabi niya na pasado ala una ay unang nakasagupa ng 503rd Infantry Brigade ang sampung na kasapi ng Ilocos-Cordillera Regional Committee o ICRC sa Barangay Bayao na ikinasugat ng isang sundalo.

Ang nasugatan na sundalo ay agad na nabigyan ng paunang lunas at inilipad gamit ang Philippine Air Force Black Hawk helicopter patungo sa pagamutan.

Kahapon muling sumiklab ang sagupaan kung saan isang mahalagang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ng (ICRC) ang nasawi sa engkuwentro, narekober ng militar kalaunan ang isang mataas na kalibre ng armas at isang bandolier.

--Ads--

Ang pinakabagong sagupaan ay nangyari lamang dalawang araw matapos ang katulad na insidente noong Nobyembre 21, 2025, kung saan humigit-kumulang labinlimang miyembro ng Platoon Dos ng ICRC ang nakaengkuwentro ng militar sa parehong bayan.

Ayon sa mga ulat, nagsimula ang operasyon matapos magsumite ng reklamo ang ilang residente ukol sa patuloy na pangingikil at pananakot ng mga natitirang kasapi ng Communist Terrorist Group sa Cordillera.

sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation para matugis ang nalalabing miyembro ng icrc na tumakas matapos ang palitan ng putok para tuluyang ma-distabilize ang grupo sa kanilang aor.

sa ngayon sapat pa rin ang tropa ng 5th id para sa ikinakakasang operasyon dahil nakahanda ang hanay ng 103rd, 98th, 54th at 503rd IB.

Pinawi naman ng militar ang pangamba ng mga residente sa lugar dahil ang encounter site ay malayo sa mga kabahayan, hinihikayat naman nila ang pakikipag tulungan ng mga residente sa lugar na manatiling mapag matiyag para mamonitor ang anumang kahina hinalang kilos sa kanilang paligid para sa tuluyan ng masawata ang nalalabing kasapi ng grupo.

Itinuturing naman ng 5th Id na ang pag papakita ng preseniya ngayon ng NPa ay isang paraan upang makalikom ng halaga mula sa extortion activities para sa kanilang nalalapit na nibersaryo.