--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan at ng Urban Technology Alliance ang isang memorandum of agreement para mag-sulong ng Smart Sustainable Cities framework.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Philippine Ambassador to Switzerland Bernard Dy sinabi niya na bumisita sa kaniyang tanggapan ang mga Department Heads at City Officials ng LGU Cauayan para ikasa ang isang MOA Signing.

Layunin nito na mag sulong ng positive impact pagdating sa urban innovation.

Maliban dito ay inaral din ang ilang best practices na maaarig magamit ng Lunsod ng Cauayan patungo para sa mas maunlad na Lungsod.

--Ads--

Makakatulong din ang MOA kasama ang Urban Technologies na maka likom ang Lunsod ng funding para sa mga proyekto para sa pagsusulong sa Lunsod bilang Smartest City of the North.

Samanatala, sinagot din ni Former City Mayor Bernard Dy ang ilang katanungan kaugnay sa biglaang bakasyon ng mga Department Heads at City Officials ng Lungsod.

Aniya kailangan unawain na ang mga Public Officials ay hindi mga robot at nangangailangan din ng bakasyon.

Sa katunayan aniya na sa ibang mga bansa ay nabibigyan talaga ng pagkakataon ang mga Public Officials na makapag-pahinga, at nagkataon lamang aniya na kinailangan nilang magtungo ng sabay-sabay para mas makatipid.

Sa kabila aniya ng pagbabakasyon ng mga Department heads ay hindi naman nagsara ang City Hall ng Lunsod at naiwan pa ring in-charge ang mga Assistant Department Heads.