Mararanasan na sa tapat ng Provincial Capitol ang Moderate to Heavy Traffic kasabay ng pagsisimula ng Bambanti Festival 2025.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ron Paguirigan ang OIC ng Public Order and Safety Management Office ng Lungsod ng Ilagan sinabi niya na, unti unting dumadagsa na ang mga local tourist mula sa iba’t ibang mga Bayana para mamasyal sa Capitol grounds at nanuod sa ginanap na Grand Finals ng Isabela Got Talent kagabi.
Para sa mga motoristang ayaw maipit sa trapiko maaari silang dumaan sa bahagi ng Barangay Calamagui para sa mga patungong northbound habang maaaring dumaan sa Diadi Area ang mga patungong southbound.
May bahagyang congestion na sa Barangay Alibagu dahil sa nagdala rin ng sariling sasakyan ang mga particpants.
Pinapayuhan ang mga motoristang magbaon ng mahabang pasensya dahil sa mas titindi pa trapiko dahil sa inaasahang mas dadami pa ang volume ng sasakyan at posisble ang 30 minutes to 1 hour traffic sa National Highway na nasasakupan ng Kapitolyo.
Para maiwasang malate ang mga estudyanteng may pasok ngayong araw ay nagtalaga sila ng fast lane para sa mga emergency vehicles at bibigyang prayoridad din ang mga estudyante.
Babala nila ngayon sa mga namamasadang tsuper na huwag manamantala ngayong Bambanti Festival at sundin parin ang umiiral na taripa.