--Ads--
Itinalaga ng Iran si Mojtaba Khamenei bilang kanilang bagong supreme leader.
Siya ang anak ng napaslang na si Ayatollah Ali Khamenei.
Pinili siya ng Assembly of Experts ng Iran na binubuo ng 88-member body ng elected senior cleric na ang trabaho ay pumili ng supreme leader.
Huling pumili ang assembly noong itinaguyod ang Islamic Republic noong 1979.
--Ads--
Napili noon si Ali Khamenei matapos ang pagpanaw ni Ayatollah Ruhollah Khomeini ng mahigit tatlong dekada.
Una ng sinabi ni US President Donald Trump na hindi rin magtatagal ang mapipiling bagong supreme leader ng Iran.
Magugunitang nasawi si Ayatollah Ali Khamenei matapos ang ginawang pag-atake ng US at Israel.







