--Ads--

Isinusulong ng Liga ng mga Barangay ang Monthly Salary sa halip na Honorarium sa mga barangay officials upang mabigyan sila ng mas magandang benepisyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Liga ng mga Barangay National President Jessica Gallegos Dy sinabi niya na kailangan talaga ng magandang benepisyo ng mga opisyal ng barangay dahil sa sitwasyon ng kanilang trabaho.

Una nilang ipinanukala ang pagpapalawig ng termino ng mga barangay offiicials at isusunod nila ang Magna Carta for Barangay Officials upang mabigyan sila ng sapat na proteksyon na may mabigat na pasanin lalo tuwing may nangyayaring krisis.

Aniya marami nang panukala nito sa kongreso ngunit hindi naisusulong kaya nila ito pinag-aaralang isulong.

--Ads--

Maraming mga barangay officials ang pinapaslang sa buong bansa kaya dapat din silang mabigyan ng sapat na proteksyon.

Kung titingnan sa mga mahihirap na barangay sa bansa, napakaliit lamang ng kanilang honorarium at hindi ito sapat para sa mga opisyal ng barangay na pantustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya kung ikukumpara sa kanilang trabaho.

Isa aniya sa rason kung bakit hindi naisusulong ang nasabing Magna Carta ay dahil sa kawalan ng pondo.

Muli naman niyang pinaalalahanan ang publiko na huwag agad husgahan ang mga opisyal ng barangay dahil sa panukala sapagkat seryoso rin naman ang kanilang sitwasyon na dapat matugunan.