CAUAYAN CITY- Pinawi ng Reina Mercedes Police Station ang pangamba ng ilang magulang bg bayan ng Reina Mercedes hinggil sa kaligtasan ng kanilang mga anak
Ito ay matapos ang pagkakahuli ng isang top most wanted sa provincial level sa kanilang nasasakupan
Ayon sa hanay ng mga pulis, nanatiling peaceful ang bayan at ang pagkakahuli sa suspek ay resulta lamabg ng patuloy na pag aksyon ng mga awtoridad
Sa pahayag ni Plt Romel Rivera, Police Community Precinct Commander ng Reina Mercedes Police Station, peaceful ang bayan ng Reina Mercedes at tanging vehicular accident lamang ang prevalent incident sa kanilang lugar
Batid din ng pulis ang pangamba na maaring dala ng pagkakahuli ng isang top most wanted sa Provincial level sa kanilang lugar
Kaya naman, muling pinaalala ng pulis na tuloy tuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay sa nadabing bayan upang walang mangyaring karahasan sa nasabing bayan at upang mahuli kung mayroong mga nagtatagong mga suspek sa kanilang Area of Responsibility










