Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at Bambang Police Station ang itinuturing na Number 3 most wanted person sa lalawigan ng Nueva Vizcaya umaga nitong Nobyembre 20, 2025 sa Purok Nangkalapan, Barangay Salinas, Bambang, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Gardo” 63 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing purok.
Inresto ang suspek makaraang ilabas ng RTC Branch 30, Second Judicial Region, Bambang, Nueva Vizcaya sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong 28 Counts ng Panggagahasa na nakadokumento sa ilalim ng Criminal Case No. 8409-251 hanggang 843,6-251 at walang rekomendadong piyansa.
Agad na ipinaalam sa dinakip na akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.
Sa kasalukuyan nasa kustodiya ng Bambang Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.











