--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinitignang motibo ngayon ang huling halalan ng barangay sa pagbaril-patay sa isang barangay kapitan sa Camalaniugan, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pcol. Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, sinabi niya na bagamat ayaw sabihin ng dalawang pinaghihinalaan na sina Geronimo Joaquin, alyas James Bond, 39-anyos, kasalukuyang nakatira sa Centro Norte, Camalaniugan, Cagayan at tubong Labit West, Urdaneta, Pangasinan at si Alvin Carlo Agabbao, na residente ng Camalaniugan, Cagayan kung sino ang nag-utos sa kanila na patayin si Barangay Kapitan Eranio Caleda ng Julian Olivas, Camalaniugan, Cagayan, 46-anyos, may asawa ay isa sa tinitignang motibo ngayon ang old grudge sa huling halalan ng barangay.

Ayon kay Pcol. Quilang, nangyari ang pamamaril dakong 8:55 ng gabi noong April 21.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng mga pulis ay naaresto rin sa gabing iyon ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon.

--Ads--

Napag-alaman na si Joaquin ay isang hired killer, most wanted person municipal level sa San Jose, Nueva Ecija at mayroong nakabinbin na kaso sa nasabing lalawigan dahil sa pagpatay sa isang provincial employee.

Inamin umano ni Joaquin na siya ang bumaril sa biktima habang kasama naman niyang nagplano si Aggabao.

Si Aggabao umano ang tumanggap sa paunang bayad na P15,000 habang ang natitira pang P15,000 ay matatanggap sana ni Joaquin kapag napatay na nila ang biktima.

Ayon pa kay Pcol. Quilang, inamin din ni Joaquin na siya rin ang pumatay kina Robert Tolento at Arjay Galapia noong May 2, 2019 sa Bulala Junction, Camalaniugan habang si Aggabao naman ang pumatay kay Fredelito Ugalde Sr. sa Centro Sur, Camalaniugan noong August 30, 2019 at siya ang nagsilbing driver.

Tinig ni Pcol. Ariel Quilang.