--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang follow-up investigation ng City of Ilagan Police Station sa naganap na pagbaril at patay kay Internal Audit Manager Agnes Palce ng ISELCO II.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Rowena Ramos, tagapagsalita ng City of Ilagan Police Station na isinailalim na sa inquest proceedings ang dalawang nahuling pinaghihinalaan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang follow-up investigation upang matukoy ang motibo sa pagpaslang kay  Internal Audit Manager Palce.

Tahimik ang dalawang pinaghihinalaan at maaring hindi nila inaasahan na matukoy ng pulisya sa kanilang ginawang krimen.

--Ads--

Malaking tulong ang kuhang CCTV Footages ng mga CCTV Camera na naka-kabit sa iba’t ibang mga establisyemento malapit sa pinangyarihan ng pamamaril upang matukoy ang mga pinaghihinalaan.

Patuloy naman ang pagpapatrolya ng pulisya upang mapigilan ang mga nagbabalak gumawa ng krimen sa lunsod ng IIagan.