--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang rider ng big motorbike matapos mabangga ng dumptruck sa Maharlika Highway ng Tactac, Santa Fe, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayam, inihayag ni P/Senior Inspector Julie Mejia, hepe ng Santa Fe Police Station na agad nilang natugunan ang nasabing aksidente matapos ipaalam sa kanila at kinilala niya ang biktima na si Reynold Abaniel, 24 anyos na residente ng Linao, Aparri, Cagayan.

Isa anyang dumtruck ang nag-overtake nang mayroong mabilis na makakasalubong na big motorbike na bumangga sa bumper ng sasakyan.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

--Ads--

Ang tsuper ng dumptruck ay si Ronnie Rosario na residente ng Cuyapo, Nueva Ecija at nasa pangangalaga ng Santa Fe Police Station.