--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit isang daan ang naitalang aksidente sa lansangan sa Cauayan City na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Batay sa talaan ng Rescue 922, 119 na ang naitalang motorcycle accident sa lunsod na kinasasangkutan ng mga tsuper na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin at mga walang suot na helmet.

Ayon sa ulat mula Enero 2021 hanggang buwan ng Mayo ay apat na ang naitalang nasawi dahil sa kinasangkutang motorcycle accident.