--Ads--

CAUAYAN CITY- Dead on arrival sa pagamutan ang isang motorcycle rider matapos na magulungan ng sasakyan sa Barangay Distirct 3, San Manuel, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Jojo Turingan, Chief of Police ng San Manuel Police Station, sinabi niya na nakilala ang biktima na si Engr. Emerson Fernandez na Residente ng District 3, San Manuel, Isabela.

Batay sa kanilang pagsisiyasat pauwi na ang biktima na si Fernandez habang papasok naman sa trabaho sa Santiago City ang suspect na si Dr. Christian Sok-ang, nang makarating sa pambansang lansangan na nasasakupan ng Barangay District 3 ay aksidente natumba sa kalsada ang motorsiklong minamaneho ni Fernandez na siyang dahilan para aksidente siyang mabangga ang sasakyang minamaneho ni Sok-ang at nagulungan pa ang biktima.

Sa ngayon ay arestado na ang suspect subalit nagsasagawa pa ang PNP ng back tracking sa kuha ng CCTV camera sa lugar para matukoy kung sino ang driver at makuha ng plate number ng isa pang sasakyan na nakasabayan ng biktima bago naaksidente.

--Ads--