--Ads--

Dead on Arrival ang isang rider matapos sumalpok sa isang truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Marana 3rd, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang drop side truck ay minamaneho ni Marben Butac, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela, habang ang Honda click ay minamaneho naman ni Jessie Blaza, residente naman ng Brgy. Alibagu.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, binabaybay ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksyon ng kalsada.

Nang makarating sa pakurbadang bahagi ng daan ay nawalan ng kontrol ang biktima sa kaniyang motorsiklo at napunta sa linya ng paparating na truck.

--Ads--

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang rider na nagtamo ng malubhang sugat sa katawan na agad dinala sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.