--Ads--

CAUAYAN CITY –   Ipinagpaliban ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino ang pagdaraos sa Abril ng Motorismo Festival 2020 dahil sa pagdeklara ng State of Public Health Emergency sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Orlan Baliton, event manager ng Motorismo Festival na ang pagpapaliban sa event ay napagkasunduan sa isinagawang pulong ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Walang katiyakan aniya kung kailangan ito muling itatakda.

Ayon kay Ginoong Baliton, nanghihinayang si Gov Dax Cua ngunit kailangang unahin ang kapakanan ng kalusugan ng mga mamamayan

--Ads--

Mahigit 600 ang nagpalista para sa Motorismo Endurance Challenge mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Ginoong Baliton, inaasahan sana ang  40,000 hanggang 50,000 ng expectators sa Motorismo Festival 2020.

Ang tinig ni Ginoong Orland Baliton