--Ads--

Motorista, patay matapos bumangga sa kuliglig

CAUAYAN CITY- Patay ang tsuper ng isang motorsiklo matapos na mabangga ang isang kuliglig sa daan sa Rumang-ay, Echague.

Ang nasawi ay si Jeron Cesar Palteng habang ang tsuper ng kuliglig ay si Vicente Romero, 56 anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Echague Police Station na naganap ang banggaan matapos lampasan ni Palteng ang sinusundang kolong-kolong.

--Ads--

Nagtamo ng malalang sugat sa ulo si Palteng at isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Walang ilaw o reflectorized sticker ang kuliglig na nasa pangangalaga ngayon ng pulisya sa Echague, Isabela.