
CAUAYAN CITY– Naging emosyonal at ang may-ari ng isang motorparts shop sa Research Minante 1, Cauayan City matapos na masunog ang kanyang puwesto kahapon ng madaling araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, naging emosyunal si G. Rodolfo Dela Cruz kanyang inihayag na labis ang kanyang panlulumo dahil sa nawala sa isang iglap ang kaniyang pinaghirapan ng ilang taon matapos na matupok ng apoy ang kanyang motorparts shop.
Hindi pa matukoy ang halaga ng mga panindang motorparts kabilang ang mga gulong at ibat ibang piyesa ng motorsiklo na tinupok ng apoy.
Aniya, hindi siya makapaniwalang nasunog ang kanyang shp dahil araw araw siyang pumapasok sa kanilang shop at tinitiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga saksakan nito sa loob.
Sinabi niya na alas kuwatro ng madaling araw kahapon ng magising sila sa sigaw ng kapitbahay at tumambad sa kanila ang malaking sunog na nagmumula sa kanilang shop.
Samantala, nadamay rin sa sunog ang katabing sari sari store na pag mamay ari ng kanyang ina na si Gng. Fe Dela Cruz.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Gng. Dela Cruz dakong alas tres ng madaling araw nang magising siya at napansin na bukas ang ilaw sa shop ng kanyang anak kaya naman bumangon siya at pinatay ang ilaw saka muling natulog.
Nabigla nalamang siya ng makita ang malakas na apoy na nanggagaling sa shop ng kaniyang anak.
Dahil sa pagkabigla ay agad na siyang lumabas at nagsisisigaw sa daan upang humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay upang mapigilan ang pagkalat ng apoy.
Maraming ang tumulong sa kanila upang apulahin ang apoy ngunit dahil karamihan sa laman ng shop ay langis at gulong ay hindi nila ito kinaya kaya tuluyang tinupok ng apoy ang laman ng shop ng kanyang anak at maging ang mga paninda sa kanyang sari sari store ay nadamay dahil inabot ng apoy.
Bagamat natupok ng apoy ang laman ng shop ng kanyang anak at laman ng kanyang tindahan ay nagpapasalamat pa rin si Gng. Dela Cruz sa Diyos dahil walang nasawi o nasaktan sa kanyang pamilya dahil sa sunog.










