CAUAYAN CITY– Narekober na ng mga otoridad sa barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya ang motorsiklo at baril na ginamit ng hindi pa tinutukoy na suspek sa pagbaril at pagpatay sa sariling tiyuhin na balut vendor at tagapag-alaga ng itik sa barangay Mapuroc San Mateo, Isabela.
Una naring napaulat sa Bombo Radyo Cauayan ang pamamaril sa maglive-in partner na sina Jesus Antonio at Joan Memita.
Namatay sa nasabing pamamaril sa Antonio habang nasa pagamutan si Memita.
Lumalabas rin sa pagsisiyasat na malapit na kamag anak rin ng biktima ang suspek na kapwa rin nito balut vendor.
Sa naging panayang ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Jonathaniel Esteban, ang Admin Operation Police Commisioned Officer ng San Mateo Police Station, sinabi niya na matapos ang pamamaril ay agad silang nagsagawa ng hot pursuit operation kung saan napag-alaman nila na iniwan ng pinaghihinalaan ang baril at motorsiklo sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Batay umano sa kaibigan ng suspek natatakot ang pinaghihinalaan na papatayin siya ng pamilya ng kaniyang tiyuhin na kaniyang napatay at hindi pa umano ito handang sumuko.
.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong murder at frustrated murder laban sa pinaghihinalaan.