--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang estudyante ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa concrete barrier ng tulay sa Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Ang mga biktima ay ang driver ng motorsiklo na si Malbert Balimbin, 26 anyos at residente ng San Jose, Quirino Isabela at ang kanyang angkas na si Vicente Esmela, residente ng Cabaruan, Naguilian, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Mary Jane Sibbaluca, OIC Chief of Police ng Naguilian Police Station, sinabi niya na nilampasan ng mga biktima ang sinusundang sasakyan ngunit nawalan ng kontrol angdriver ng motorsiklo.

Aniya, liliko sana ang mga ito sa kanto sa kanan subalit dumiretso ang kanilang sinasakyang motorsiklo dahil sa bilis ng kanilang pagpapatakbo.

--Ads--

Nahulog sila sa motorsiklo matapos bumangga sa concrete barrier sa gilid ng tulay na nagbunga ng kanilang kamatayan.

Ang tinig ni PCpt Mary Jane Sibbaluca