--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis ang pagdadalamhati ngayon pamilya ng isang construction worker na nasawi matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng isang dumptruck na paliko sa AllHome sa Sillawit, Cauayan City.

Ang biktima ay si Arthur Fernandez, 49 anyos, construction worker at residente ng Naganacan, Cauayan City

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Armie Ramones, residente ng Sillawit, Cauayan City na batay sa kanilang nakita, paliko ang dumptruck patungo sa AllHome nang sumalpok ang biktima.

Nang matumba ang motorsiklo ay tumilapon si Fernandez ngunit nagulungan ang kanyang ulo nang umatras ang dumptruck na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

--Ads--

Labis namang lungkot at pighati ang nararamdaman ngayon ng asawa ng biktima na si Gng. Monique Fernandez, 49 anyos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Fernandez na maghahatid sana ng suso ang kanyang mister sa isang kaibigang foreman nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Gng. Fernandez, pinigilan niya ang asawa na huwag munang ihatid ngunit maagang naligo at umalis sa kanilang bahay.