--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang 3 anyos na bata matapos sumalpok sa nakaparadang trailer truck ang motorsiklo na minamaneho ng kanyang ama sa national highway sa San Andres, Santiago City.

Ang nasawi na si John David Cortez, 3 anyos ay nasa harap ng motorsiklo na minamaneho ng amang si Roderick Cortez, 30 anyos, residente ng Rizal, Santiago City.

Binabagtas ng motorsiklo ang daan sa barangay San Andres nang bigla umanong bumalik at nabangga ang nakaparadang trailer truck na minamaneho ni Rolando Amin Villa Jr., 37 anyos, residente ng Rizal, Santiago City.

Nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang mag-amang Cortez na agad dinala sa ospital ngunit binawian ng buhay ang bata.

--Ads--