Labis ang panlulumo ng isang lalaki matapos na tangayin ng kaniyang katransaksyon ang ibinibenta niyang motorsiklo.
Naganap ang insidente sa harapan ng Echague District Hospital.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Terryboy Medina ang biktima, sinabi niya na nakilala niya sa isang online platform ang buyer di umno sana ng kaniyang motorsiklo.
Aniya dahil sa nagkasundo naman na bibilhin ito hindi siya nagduda kahit pa walang mukha at kahit anumang impormasyon sa social media account ng ka transaksyon maliban na lamang sa address nito .
Sakabila nito nakipagkita parin siya sa suspek sa pag-aakalang bibilhin talaga ang motorsiklo.
Una ay nag request ang suspek na ma-test drive ang motorsiklo at nagpatakbo hanggang Ipil, Echague Isabela bago bumalik at humirit pa ng isa pang test drive na mas malayuan patungo sa Jones, Isabela.
Dito na kinuha ng suspek ang pagkakataon para tangayin ang motorsiklo at hindi na bumalik pa sa biktima.
Dahil sa hindi na bumalik ang suspek ay iniulat na nila ito sa himpilan ng pulisya, agad naman aniya nakipag ugnayan ang Echague Police Station sa Jones Police Station para tignan kung mahahagilap ang suspek at ang ninakaw na motorsiklo.
Hindi maiwasan ni Terryboy na manlumo dahil sa ang perang mapagbebentahan sana ng kaniyang motorsiklo ay ipantutustos sa pangangailangan nilang Pamilya.
Hindi rin niya maiwasang manghinayang dahil sa ipinaayos rin niya ang motorsiklo at gumastos ng malaking halaga dahil sa pag-aakalang maibebenta ito.
Nanawagan siya ngayon sa sinomang nakakita sa kaniyang motorsiklo na isang pulang RUSI 125, walang sticker sa tangke at may plakang B8991F na makipag-ugnayan sa kaniya.











