--Ads--

CAUAYAN CITY- Dumulog sa Bombo Radyo Cauayan ang isang estudyante para ipanawagan ang nawawala nitong motorsiklo.

Ang nasabing motorsiklo ay itim na TMX 125 na may plate number na BO 60518

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jonard Sunga, may- ari ng motorskilo sinabi niya bago mawala ang kaniyang motorsiklo ay nagtungo siya sa bahay ng kaniyang kaibigan sa Reina Mercedes dahil mayroon silang nakatakdang lakad.

Nang dahil sa biglang bumuhos ang malakas na ulan ay tumambay muna sila sa terrace ng bahay ng kaniyang kaibigan  hanggang sa mag-aya ang lola nito na maghapunan muna.

--Ads--

Alas nuebe na aniya ng gabi ng mapag-desisyunan nito na umuwi na lamang dahil sa sumama ang kaniyang pakiramdam ngunit nang balikan nito kung saan niya iniwan ang kaniyang motorsiklo ay wala na ito roon.

Agad naman nila itong iniulat sa himpilan sa pulisya ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa matuloy kung nasaan ang motorskilo dahil wala rin mga CCTV sa lugar.

Aniya, iniwan niya ang susi sa motorsiklo dahil kampante umano siya na hindi ito tatangayin dahil maliwanag naman sa lugar kung saan niya ito iniwan.

Nanawagan naman siya sa kung sino mang nakakita sa kaniyang motorsiklo na ipagbigay alam lamang sa kaniya o sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan.