--Ads--

Muling nagsama-sama ang hukbong dagat at himpapawid ng Pilipinas, Japan, at Estados Unidos sa isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) mula Pebrero 20 hanggang 26, na layong palakasin ang ugnayan, koordinasyon, at kakayahang mag-operate nang magkakasama ng tatlong kaalyadong bansa.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad ng AFP, ipinakita ng MMCA ang kakayahan ng tatlong bansa na mag-operate nang sabay-sabay sa kumplikadong maritime environment, patunay ng lumalalim na kooperasyon sa seguridad.

Kasabay ng MMCA, inilunsad ng US Defense POW/MIA Accounting Agency (DPAA) ang pinakamalaking recovery mission para sa mga Amerikanong sundalo na sakay ng Oryoku Maru na lumubog sa Subic Bay noong World War II. Ang multi-year underwater recovery project ay isinasagawa sa pakikipagtulungan ng US Navy at pamahalaan ng Pilipinas.