CAUAYAN CITY- Sinisiyasat na ng Bureau of Fire Protection (BFP) Santiago City kung may kaugnayan sa kuryente ang nangyaring sunog sa isang bahay sa Greenland Subdivision, Plaridel, Santiago City na ikinasawi ng anim na magkakamag-anak.
ang mga namatay na kinabibilangan ng mag-asawang Kin at Love James, kapwa 35 anyos ang kanilang anak na sina Raven, 5 anyos at Kisha, 3 anyos at pamangkin ni Kin na sina Zedrick Lloyd Marcelino, 16 anyos, Grade-10 at kapatid na si Mark Melbourn Marcelino 13 anyos, Grade-8.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SFO1 Alberto Timbal, chief investigation section ng BFP Santiago City na posibleng dahil sa multiple connection ng kuryente ang sanhi ng sunog ngunit masusi pa nilang sinisiyat.
Ayon kay SFO1 Timbal, buo ang katawan at nagtamo lamang ng mga lapnos sa katawan ang mga biktima kaya hinihinalang suffocation ang sanhi ng kanilang kamatayan ngunit isasailalim pa sila sa pagsusuri para malaman ang tunay na ikinamatay ng mga biktima.
Hindi umano nabuksan ng mga biktima ang pintuan sa likurang bahagi ng bahay kaya hindi sila nakalabas at nakita ang mga biktima na nasa iisang lugar lamang at magkakatabi.