--Ads--
CAUAYAN CITY- Kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury and damage to property ang isasampa laban sa Municipal Accountant ng Quirino, Isabela.
Ang suspek ay si Melita Paraguison, 40 anyos, Municipal Accountant ng LGU Quirino at residente ng Luna, Quirino, Isabela.
Ang kaso ni Paraguison ay nag-ugat sa aksidenteng pagkakahagip ng kanyang minamanehong sasakyan sa biktimang si Elvis Gannaban, 59 anyos, isang kawani ng pamahalaan at residente ng Zone 3, San Mariano, Isabela.
Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at dinala ng Rescue 831 ng pamahalaang panlalawigan sa Isabela Doctor’s General Hospital samantalang ang suspek ay kusang sumuko sa pulisya.
--Ads--




