CAUAYAN CITY- Patay ang Municipal Engineer ng Jones, Isabela makarang barilin ng hindi pa nakikilalang dalawang pinaghihinalaan na sakay ng motorsiklo sa Lunsod ng Santiago.
Ang biktima ay si Municipal Engineer Johnny Lazaro ng Local Government Unit ng Jones, Isabela at residente ng Barangay Uno, Jones, Isabela .
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Jose Cabaddu, Station Commander ng Presinto 2 ng Santiago City Police Office na lalabas na sana sa kanyang sasakyan ang municipal engineer malapit sa sabungan nang barilin ng mga pinaghihinalaang sakay ng motorsiklo.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktima isa sa kanyang mata na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag pa ni Senior Inspector Cabaddu na patuloy ang kanilang pagsisiyasat sa pamamaril patay sa municipal engineer ng Jones, Isabela.




