--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabala ang Provincial Treasurer’s Office (PTO) na mahaharap sa sanction ang mga municipal treasurer sa Isabela na bigong mapangalagaan ang mga official ballots na nasa kanilang kustodiya.

Ipinamahagi na ng PTO sa mga municipal treasurer sa Isabela ang mga official ballot kasabay ng paalalang pangalagaan ang mga ito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Isabela Provincial Treasurer Maria Theresa Flores na ang mga official ballot ay isa sa mga pinaka-sensitibong dokumento sa halalan na kailangang pangalagaan ng mga municipal treasurer.

Dapat na ilagay ang mga ito sa mga lugar na ligtas sa ulan, sunog at sa mga taong may masamang hangarin.

--Ads--

Ayon kay Gng. Flores, one is to one ang official ballot at kung ilan ang idineklarang botante sa isang munisipyo ay siya ring ipapadalang bilang ng mga official ballot kaya kailangang pangalagaan ito upang makaboto ang lahat ng mga botante.

Ang tinig ni Provincial Teasurer Maria Theresa Flores

Nagbabala pa siya na mapapatawan ng sanction ang municipal treasurer na bigong mapangalagaan ang mga official ballot na nasa kanilang kustodiya.