--Ads--
CAUAYAN CITY – Tinanghal na Mutya ng Cauayan 2018 si Candidate number 9 Anita Maura Gannaban ng barangay Tagaran, Cauayan City sa coronation night na ginanap kagabi sa Francisco L. Dy Memorial Coliseum.
Ito ang pinakatampok na aktibidad sa pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival 2018 na magtatapos sa April 14, 2018.
Si Bb. Gannaban ay 21 anyos at nagtapos ng B.S. Accountancy sa University of St. Louis Tuguegarao.
Bukod sa korona nakuha rin ni Bb. Gannaban ang Best in Swimsuit, Ms. Congeniality at mga special awards na Ms. Softex, Ms. Marco Paulo Hotel and Resto Bar, Ms. Green Cross.
Nanalo rin si Bb. Gannaban ng 50,000 na cash prize at tropeo.
Tinanghal namang Bb. Gawagaway-yan si Gabrielle Ruth Pascual ng barangay San Antonio, Cauayan City.
Siya ay nagwagi ng 40,000 na cash prize at tropeo
Ang 1st runner up ay si Jerica Marfil ng Barangay District II, Cauayan City na nagwagi ng 30,000 na cash prize.
Ang 2nd runner up ay si Rodalyn Balmores ng Barangay Alicaocao. Siya rin ang nakakuha ng Best in Creative Attire at 20,000 cash prize.
Ang 3rd Runner up ay si Princess Mae Foronda ng barangay District III, Cauayan City. Siya rin nakakuha ng Best In Talent at 10,000 cash prize.
Sa tanong na What or who is a confident Cauayenia?Define a confident Cauayenia? Aniya, ang isang Cauayenia ay tulad ng isang puno ng kawayan na may tiwala sa sarili, matapang at mapagpakumbaba habang tumataas.
Si Krishna Mae Plata Cauilan ang bilang Miss Photogenic.
Best in Evening Gown at Miss Texters Chioce Award ang nakuha ni Angelica Dalupang Gazinggan ng Barangay Amobocan.
Naging host sina actor/tv host Robert Marion “Robi” Eusebio Domingo at si Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves.
Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Bb. Gannaban na pangarap na natupad ang kanyang pagkakatanghal na Mutya ng Cauayan 2018.
Handog niya ito sa mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan na nagbigay ng todong suporta sa kanya.




