Ibinahagi ni Mutya Sandrine Desiree Cristobal ang kaniyang Journey sa Mutya ng Cauayan 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sandrine Desiree Cristobal ang Mutya ng Cauayan 2025, sinabi niya na labis ang kasiyahan niya dahil sa kaniyang tagumpay sa Mutya ng Cauayan.
Aniya inasahan niya ang kaniyang pagkapanalo dahil kumpara noong Mutya 2024 ay mas nagkaroon siya ngayon ng kumpiyansa sa sarili na naging daan para muli siyang sumubok muli.
Bilang Mutya ng Cauayan 2025 ay kaniyang adbokasiya ay ang pagsusulong ng mga programang titiyak sa kalusugan ng bawat Cauayeño.
Gagamitin niya ito bilang platform para makipag collaborate sa mga LGU Leaders maging sa private sector para isulong ang pagkakaroon ng free checkup, free consultation at libreng gamot.
Unang namulat si Desiree sa mundo ng Pageantry noong siya ay Senior High School kung saan siya ay naging kandidata.
Dito niya unang nakuha ang kaniyang panalo na nasundan pa ng mas maraming mga pageants sa tulong ng kaniyang handler.
Hindi naging madali para kay Bb. Cristobal na pasukin ang mundo ng pageantry lalo at siya ay full-time nurse kaya naman naging malaking tulong ang ibinigay na suporta ng kaniyang Pamilya at ng pamunuan ng pagamutan kung saan siya nagtatrabaho.
Hindi naman maitatanggi ni Desiree ang pressure na kaniyang nararamdaman bilang sumunod kay Mutya ng Cauayan 2024, Queen Isabela at Miss Universe Isabela 2025 Jarina Sandhu na sasabak sa Miss Universe Philippines 2025.
Sa kabila ng responsibilidad ay mas pinagbubuti niya ngayon ang pagsasanay bilang paghahanda pa para sa mga tungkulin niya para sa mga malalaking pageant pa na kaniyang lalahukan.
Plano niya ngayon na ipagpatuloy ang kaniyang career bilang nurse dahil ito ang kaniyang passion at calling lalo pa at umaasa rin siya na balang araw ay maipagpatuloy niya ang pag-aaral ng medisina.