--Ads--

Nagpalaya ang military government ng Myanmar ng mahigit 6,100 bilanggo at binawasan ang sentensiya ng iba pa nitong ika-apat ng Enero, 2026 bilang pagdiriwang sa ika-78 anibersaryo ng kalayaan ng bansa mula sa Britain.

Hindi malinaw kung kabilang sa pagpapalaya ang libu-libong political detainees, kabilang si dating lider na Aung San Suu Kyi, na halos hindi nakakausap ang labas ng mundo mula nang maalis sa pwesto noong 2021. Kabilang sa unang pinalaya si Ye Htut, dating army officer at information minister, na naaresto noong 2023 dahil sa sedition at incitement.

Kasama rin sa listahan ang 52 dayuhang bilanggo na ide-deport palabas ng Myanmar. Binawasan ang sentensiya ng iba pang bilanggo, maliban sa mga nahatulan sa mabibigat na kaso tulad ng murder at rape. Pinapaalalahanan silang kung lalabag muli sa batas, kakailanganin nilang tapusin ang natitirang sentensiya kasama ang bagong hatol.

Ang pagpapalaya ay karaniwan sa mahahalagang okasyon at inaasahang tatagal ng ilang araw. Sa Yangon, lumabas ang mga bilanggo sa Insein Prison, kung saan naghihintay ang kanilang pamilya.

--Ads--

Tinawag ni US Secretary of State Marco Rubio ang militar na tigilan ang karahasan, payagang makapasok ang humanitarian aid, at palayain ang mga unjustly detained.

Ang Myanmar ay muling nakamit ang kalayaan mula Britain noong Enero 4, 1948, at ipinagdiwang ito sa Naypyitaw sa pamamagitan ng flag-raising ceremony.