--Ads--

CAUAYAN CITY – Inireklamo ang isang myembro ng PNP Highway Patrol Group o HPG Isabela matapos umanong suntukin ang isang tsuper sa lunsod.

Dumulog sa Bombo Radyo Cauayan ang isang tsuper na itinago sa pangalang Jun-Jun matapos umano siyang suntukin ng isang myembro ng HPG.

Aniya nasa byahe siya sakay ng kotse nang bigla umanong pumasok sa kalsada ang dalawang myembro ng HPG sakay ng motorsiklo dahil may hinahabol at naging dahilan ng kanyang pagpreno upang hindi niya mahagip.

Matapos nito ay agad umano siyang binalikan at pinababa sa sasakyan at kinukuha ang kanyang lisensya.

--Ads--

Nang iabot na niya ang lisensya ay agad siyang sinikmuraan ng myembro ng HPG.

Ayon kay Jun-Jun wala naman siyang nasabing mali dahil sinagot lang naman nito ng maayos ang sinabi ng HPG ngunit muli siyang sinikmuraan.

Aniya nagagalit ang myembro ng HPG dahil muntik na silang madisgrasya ngunit kanyang iginiit na hindi siya lumagpas sa kanyang lane at naiwasan naman niya ang sasakyan ng mga ito at walang nangyaring masama.

Matapos umano ang insidente ay pinatawag siya sa opisina ng HPG sa Brgy. Tagaran at nang nasa daan ay nakasalubong nila ang kakilala ng biktima na tutulong sana sa kanya ngunit agad din umano itong sinigawan ng HPG Member at na nakahawak sa baril nito sa baywang.

Ayon kay Jun-jun takot na siyang lumabas dahil sa nangyari kaya nagtungo siya sa Bombo Radyo upang idulog ang kanyang problema at mabigyan ito ng solusyon.

Ang bahagi ng pahayag ng biktimang itinago sa pangalang JunJun.

Samantala sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Rey Sales, ang Provincial Officer ng HPG Isabela, tiniyak niya na walang mangyayaring pagkunsinti sa kanilang myembrong nasangkot sa nasabing insidente.

Aniya matapos na dumating ang report sa kanyang tanggapan ay itinakdang mag uusap ang dalawang panig bukas araw ng lunes upang maayos ang isyu.

Ayon kay Major Sales hindi muna siyang magbibigay ng pahayag dahil hindi pa nagharap ang dalawang panig at aalamin pa ang totoong nangyari.

Hindi sa HPG nagtungo ang biktima upang magreklamo kundi sa PNP kaya hindi pa niya ito nakakausap.

Aniya dinispatch niya sina Sargeant Rex Respicio upang alalayan ang namatay nilang tropa patungo sa Cabagan at batay sa kwento nito ay biglaan umanong pumagitna ang kotse ng biktima at muntik na silang mabangga.

Ayon kay Respicio hindi naman umano sinuntok kundi bahagyang naitulak lamang.

Tiniyak naman ni Major Sales na iimbestigahan ang nasabing insidente at pansamantalang inilipat ng assignment ang HPG Member habang nireresolba ang kaso.

Ang bahagi ng pahayag ni Major Rey Sales.