CAUAYAN CITY- Inaasahang mag reresume na muli ang naantalang road constructions sa bahagi ng Diadi, Bayombong, Bagabag, Bambang at Sta. Fe, Nueva Vizcaya
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid ang tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sinabi niya na bagamat sisimulan na muli ang road construction sa Lalawigan ay hindi naman ito sabay sabay para mabigyang daan parin ang mga motorista.
Aniya una na sila nakipag uganyan sa DPWH para sa ipapatupad na traffic scheme sa bahagi ng Bagabag na sakop ng Pambansang lansangan kaya nakiusap ang DPWH na huwag simulan ang road construction sa rush hour kung kelan makapal ang buhos ng mga sasakyan.
Magdadagdag na rin ang mga contractor ng naturang mga proyekto ng flagman para sa stop and go traffic scheme may ilalagay na ring portalet sa kahabaan ng pambansang kalsada para sa mga motorsitang posibleng maipit sa traffic.
Magdadagdag din sila ng personnel na siyang mangangasiwa sa daloy ng tapiko kasabay ng pagpapatupad ng stop and go traffic na may tig-30 minutes interval.
Sisimulan na rin nila ngayon ang pagbibigay ng citation ticket para sa mg motoristang mag co-counter flow na mas nakakadagdag sa mabigat na daloy ng trapiko.
Nanatili naman ang one lane passable sa bahagi ng San Nicolas, Malico- Nueva Vizcaya Road.











