Nabaklas na aspalto ang siyang naging sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Batu Ferry Bridge, Bambang, Nueva Vizcaya.
Ilang Netizens ang nagbahagi ng mga larawan dahil sa mabigat na daloy ng trapiko kahapon subalit nilinaw ng PDRRMO Nueva Vizcaya na unti unting bumalik din ito sa normal matapos na maalis na ang mga nabakbak na aspalyo sa kalsada.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Khristian Marl Sevilla, Assigned PIO ng Operations Center PDRRMO Nueva Vizcaya, sinabi niya na sa nagayon ay ligth to moderate traffic na lamang ang nararanasan sa bahagi ng Diadi, Nueva Vizcaya dahil sa pansamnatalang pagappatigil sa road constructions upang bigyang daan ang bugso ng mga sasakyan.
Aniya ang ginagawang pag kukumpuni sa kalsada ay mag reresume o magpapatuloy sa Janueary 5, 2025.
Bagamat may traffic parin ay maiksi na lamang ang interval ng mga sasakyan kumpara sa mga nakalipas na araw.
Paalala ng PDRRMO na magbaon ng mahabang pasensya habang bumibiyahe at maging maingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.