--Ads--

CAUAYAN CITY– Hindi nakamit ng Cauayan City Health Office ang puntiryang mabakunahan ng anti-measles vaccines o bakunang panlaban sa tigdas.

Umaabot lamang sa 53% ang nabakunahan kontra tigdas hanggang noong Disyembre 2018

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Nurse 4 Nareta Maximo ng Cauayan City Health Office na bagamat mayroong takot sa dengvaxia ay mayroon pa ring mga magulang ang nagpabakuna kontra tigdas sa kanilang mga anak.

Sinabi pa ni Nurse 4 Maximo na umaabot sa mahigit 400 ang tumangging mga magulang na bakunahan ang kanilang mga anak dahil sa takot na dulot ng dengvaxia vaccines.

--Ads--

Sinabi pa niya na noong 2016 at 2017 ay mataas anya ang bilang ng kanilang nabakunahan kontra tigdas at nagsimula nang bumaba pagdating ng taong 2018 dahil sa isyu ng dengvaxia vaccines.

Sinabi pa ni Nurse 4 Maximo na tatlong kaso ng tigdas ang naitala noong nakaraang taon.

Sa 35 barangay na nasasakupan ng Rural Health Unit 1 ay walang naitala subalit sa 30 barangay na karamihan ay mula sa Forest Region at East Tabacal na nasasakupan ng RHU2 ang mayroong naitalang kaso ng tigdas.