--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakas kaya hindi naaresto ng mga pulis ang mga suspek na gumawa ng tunnel para looban ang sangay ng isang lokal na bangko sa Ilagan City.

Naalarma ang security guard ng FICO Bank na si Emerson Canoy, 23 anyos at residente ng Cabannungan, Ilagan City nang makarinig siya ng ingay sa ilalim ng lupa at mapansin na umaangat ang lupa at nababasag ang mga tiles malapit sa vault ng bangko.

Agad na humingi ng tulong si Canoy sa Pulisya Ti Umili na matatagpuan sa harapan ng bangko.

Agad na tumugon ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station at SWAT ngunit nakatakas na ang mga suspek na nabigong napasok ang bangko.

--Ads--

Pinaniniwalaan na may lookout ang mga suspek na nagsabi sa kanila na humingi ng saklolo ang guwardiya.

Naiwan ng mga kawatan ang kanilang mga gamit na kinabibilangan ng 2 hydraulic jack,  bareta,  pliers,  screw driver, 1 pointed steel, round bar, drill pit, pala at iba pang kagamitan.