--Ads--

CAUAYAN CITY  – Nadagdagan pa ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa 2 barangay sa Maddela, Quirino dahil sa presensiya ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA).

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan batay sa report ng 502nd Infantry Brigade ng 5th Infantry Division Philippine Army, ang pinakahuling grupo ng mga sibilyan na lumikas kahapon ay mula sa Purok 1, Ysmael, Maddela, Quirino dahil sa takot na madamay kapag nagkaroon ng sagupaan ang mga NPA at militar.

Unang kinumpirma ni Barangay Kapitan Gilbert Bayucan ng Cabua-an, Maddela na nananatili ang 85 pamilya na binubuo ng umaabot sa 372 na individual indibidwal sa Municipal Gymnasium ng Maddela.

Tiniyak naman ni Lt. Col. Vladimir Cagara, Commanding Officer ng 86th IB na walang magaganap na labanan sa loob ng barangay para maiwasan ang pinsala sa kabuhayan at ari-arian ng mga sibilyan.

--Ads--

Unang lumikas ngunit nakabalik na ang mga mamamayan sa San Martin, Maddela dahil sa presensiya ng tinatayang 150 na miyembro ng NPA na nakitulog umano sa mga kabahayan at sapilitang humingi ng mga pagkain.

Pinabulaanan din ng 86th IB ang akusasyon na militarisasyon sa nasabing mga lugar dahil nagpadala lamang sila ng mga tropa dahil sa pagdagsa roon ng mga rebelde.