--Ads--

CAUAYAN CITY – Nag-iyakan ang kapamilya ng limang sundalong namatay sa kanilang pakikipaglaban sa mga miyembro ng abu sayaff grouo sa Patikul, Sulu noong November 16, 2018 makaraang lumapag ang sinakyang C130 plane sa Tactical Operations Group 2 Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Marcial Manuel,55 anyos, ama ng isa sa limang sundalong namatay na si Corporal Corporal Marlon Manuel ng San Pablo, Cauayan City, Isabela na bagamat nalulungkot siya sa pagkamatay ng anak ay namatay naman sa tungkulin.

Sinabi pa niya na ipinaalam ng kanyang manugang ang pagkamatay ng kanyang anak.

Nag-iyakan ang kapamilya ng mga sundalo makaraang lumapag ang C130 plane na sinakyan ng mga labi ng kaanak.

--Ads--

Ang mga killed in action ay sina Corporal Renhart Macad ng Torod Bolo, Tabuk City, Kalinga; Corporal Bryan Apalin ng Bangbangar, Bangued, Abra; Corporal John Raphy Francisco ng Alibagu, Ilagan City, Isabela; Corporal Marlon Manuel ng San Pablo, Cauayan City, Isabela; at Private First Class Jordan Labbutan ng San Pedro, Rizal, Kalinga.

Ang mga labi ng limang sundalo na pawang miyembro ng 41st Infantry Battalion Philippine Army na nasa ilalim ng 5th ID

Sa naging panayam ng BombO Radyo Cauayan, Major General Perfecto Rimando Jr., commanding general ng 5th Infantry Division Philippine Army nagdadalamhati sila sa ngayon dahil nawalan sila ng mga kasamahan.

Isa-isahin anya niya mamayang vigil ang pakikipag-usap sa bawat pamilya ng namatay na 5 sundalo upang maipadama ang lubos na pakikidalamhati at pagpapaslamat sa pamilya ng mga nasawing sundalo.