--Ads--

CAUAYAN CITY- Lubusang kinikilala ng provincial government ng Isabela ang kahalagahan ng mga naitutulong ng Bombo Radyo Cauayan sa pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan pangunahin na sa oras ng kalamidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Romeo Santos, Consultant on media affairs ng Isabela na pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolution na nagbibigay ng pagkilala kay Bombo Princess Anquillano, field reporter ng himpilang ito ang napakahalagang naimbag na tulong sa pagbibigay ng kaalaman, paghahatid ng mga babala na galing sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang mapaghandaan ng mga apektadong mamamayan.

Pangunahing kinilala ng SP Isabela sa kanilang resolution number 398-I series of 2018 ang nagampanan ng Bombo Radyo Cauayan noong panahon ng Bagyong Ompong.

Samantala, sobrang saya ni Bombo Princess Anquillano sa natanggap na pagkilala dahil hindi niya inasahan at unang beses niyang sumabak sa coverage ng isang malakas na bagyo.

--Ads--

Naging challenge anya sa kanya ang pag-cover habang nasa kasagsagan ng bagyo at sumama na rin siya na magbahay-bahay upang makita ang sitwasyon ng mga residenteng apektado ng bagyo.

Sinabi pa niya na hindi lamang pagkuha ng balita ang kanyang nagawa sa panahon ng kalamidad kundi nakatulong ng mga nangangailangang residente.