--Ads--

CAUAYAN CITY – Kahit Blanko pa rin ay itinuturing na ng Gamu fire Station na case close ang naganap na sunog sa isang tubuhan sa barangay Upi, Gamu, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Officer 4 Ferdinand Malenab ang Fire Marshall ng Gamu Fire Station sinabi niya na ito ay batay sa ginawa nilang pagsisiyasat at puspusang pangangalap ng impormasyon mula sa mga nagbabatantay sa nasunog na tubuhan habang sila ay nag-aani.

Sa ngayon ay inaalam pa rin nila kung sinadyang sinunog o aksidenteng nasunog ang tubuhan na may isang ektarya ang lawak.

Dahil malapit lamang sa pambansang lansangan ay ikinukunsidera nilang posibleng may naitapon sa lugar na pinagsimulan ng apoy bago kumalat gaya ng upos ng sigarilyo.

--Ads--

Hindi naman ito ang unang pagkakataong makapagtala ng sunog o grassfire sa naturang lugar at wala din naman aniyang ibang pananim ang nasunog.

Madalas din aniyang mabilis ang pagkalat ng sunog kapag open area ang nasusunog gaya ng grass fire.