--Ads--

CAUAYAN CITY- Dahil sa sawi sa pag-ibig ay nagmakamatay ang isang guwardiya sa Roxas, Isabela.

Ang nagpakamatay ay si Michael Caday, 35 anyos, may dating live-in partner at guwardiya ng Isabela State University Roxas Campus sa barangay Matusalem.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan ni Caday at kanyang kinakasama na sanhi para umalis ang babae at nagtungo sa Maynila.

Maraming beses umanong kinumbinsi ni Caday ang kanyang kinakasama na bumalik sa kanya ngunit tuluyan nang lumayo ang babae sa kanya.

--Ads--

Dahil dito, binaril ni Caday ang kanyang sarili gamit ang issued firearm na isang 12 gauge shotgun.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang guwardiya na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Roxas Police Station kaugnay sa pagbaril sa sarili ng nasabing guwardiya.