--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagdulot ng takot sa mga mamamayan ang isang bag na itinago sa lilim ng mga halaman sa freedom park sa San Mateo, Isabela
Ito ay dahil naghinala ang mga mamamayang namamasyal sa nasabing parke na bomba ang laman ng iniwang bag.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Hermie Herania, tagalinis ng nasabing parke na nakita niya ang isang itim na bag na ikinabahala ng mga mamamayan.
Wala anyang may gustong lumapit sa nasabing bag.
--Ads--
Nagpadala naman si G. Roy Salvador ng Municipal Disaster Risk Reduction Managament Office ng kanyang mga tauhan na sumuri sa nasabing bag.
Taliwas sa inaasahang bomba ang laman ng bag ay naglalaman ito ng mga damit, gamit ng mga bata at sapatos.




