--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala nang mabiling tubig sa mga grocery stores sa Tampa, Florida, Estados Unidos dahil ito ang mabilis na naubos matapos na magkaroon ng panic buying ang mga tao.

Ito ay bahagi ng kanilang pag-iimbak ng mga pagkain at tubig bilang paghahanda sa maaaring matinding epekto kapag tumama na ang Hurricane Irma tulad ng pagbaha.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mrs. Thelma Edar Mix, nakapag-asawa ng Amerikano sa Tampa, Florida, sinabi niya na dahil wala na siyang mabiling tubig ay bumili na lang siya ng maraming juice.

Hanggang kaninang alas dose ng tanghali, alas dose naman ng hatinggabi sa Florida, sinabi ni Mrs. Thelma Mix na wala pang epekto ang Hurricane Irma, wala silang nararanasang ulan at hangin.

--Ads--

Kapag tumama ang bagyo, ito aniya ang unang pagkakataon na mararanasan nila sa estado ng Florida ang malakas na bagyo batay sa pagtaya na 185 miles per hour ang lakas.

Ayon kay Gng. Mix, sa mga nagdaang panahon ay palaging lumilihis kapag may pagtaya na tatama roon ang malakas na bagyo.