--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyang diin ng Pamunuan ng Barangay San Fermin, Cauayan City ang pangangailangan na masulosyonan ang mga nagkalat na basura sa kanilang Lugar.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Sofronio Comia ng Brgy. San Fermin, sinabi niya na humihingi sila ng paumanhin sa mga residente dahil sa ilang mga basura na hindi nahahakot sa kanilang lugar.

Nagkaroon kasi aniya ng kaunting delay sa paghahakot at dahil sa luwang ng Poblacion partikular sa San Fermin ay hindi umano sapat ang dalawang garbage truck.

May mga area na rin umano sa Barangay na hindi na naiikutan para kolektahin ang mga basura kaya’t iginiit nito na dapat araw-araw ang paghahakot ng basura sa bawat purok.

--Ads--

Kaugnay nito ay humihiling ang mga residente maging ang mga Barangay Officials sa Pamahalaang Pannlungsod ng karagdagang garbage truck at garbage collector.