--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala ang pamilya ng isang lalaking nakitang nakabitin sa isang puno ng mangga na may foulplay na nangyari sa kanyang pagkamatay sa Echague, Isabela

Ang nagpakamatay ay si Rey Gauan, 28 anyos, residente ng Maligaya, Echague, Isabela.

Nakita mismo ni Gng. Joana Gauan, 24 anyos ang kanyang mister na nakabitin sa puno ng mangga malapit sa kanilang bahay noong gabi ng June 30, 2018.

Uminom pa umano ng alak ang kanyang asawa bago lumabas sa kanilang bahay.

--Ads--

Sinundan siya ng kanyang asawa matapos ang ilang sandali at dito na niya nakitang nakabitin na ang kanyang mister..

Sa pagsisiyasat ng Echague Police Station, wala silang nakitang palatandaan na may foul play na nangyari ngunit upang maalis ang pagdududa ng pamilya Gauan ay isasailalim sa autopsiya ang bangkay ni Rey.