--Ads--

CAUAYAN CITY- Muli na namang nagka-engkuwentro ang mga sundalo at rebeldeng New People’s Amy o NPA sa Nagtipunan, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, patuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde na nagsimula kaninang hapon sa Sitio Landingan, San Ramos, Nagtipunan, Quirino.

Isang platoon ng mga kasapi ng 86th Infantry Batallion na pinangungunahan ni First Lt. Bacano ang napa-engkwentro sa hindi pa malamang bilang ng mga kasapi ng NPA.

Batay pa rin sa ulat ang lahat ng mga nearby forces ay inatasang kumilos patungo sa lugar kung saan ang  labanan  upang tulungan ang pangkat ng mga napapalabang  sundalo.

--Ads--

Nakakuha ang mga sundalo sa lugar kung saan nagaganap ang labanan ng 4 na backpack bag, isang granada, isang binacular at isang M16 armalite rifle.

Magugunitang sa mga nagdaang linggo ay sumabog ang itinanim na landmine ng mga rebelde na sanhi para masugatan ang dalawang pulis sa Maddela, Quirino.