--Ads--

CAUAYAN CITY- Aksidente sa kalsada ang madalas na naitatala ngayon ng Naguilian Police Station.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Walstson Malayao, Deputy Chief Of Police ng Naguilian Police Station sinabi niya na nanatiling mapayapa ang kanilang nasasakupan gayunman madalas silang makapagtala ng aksidente sa kalsada.

Aniya dahil a road crash incidents na kanilang naitatala ay mas pinapalakas na nila ang kanilang pagbabantay at pag papaalala sa mga motorista lalo na sa mga lugar na madilim at accident prone areas.

May mga pagkakataon na nasasangkot sa disgrasya ang mga motoristang hindi kabisado ang kalsada at mga nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

--Ads--

Samanatala, naghahanda na rin sila para sa pagsalubong sa bagong taon lalo at inaasahang muling dadagsa ang mga motorista sa mga pambansang kalsada.

Aniya nagiikot sila at nagsasagawa ng OPLAN tambuli sa mga barangay at pampublikong lugar gayundin na may mahigpit na monitoring sa bentahan ng paputok.

Hinikayat ng PNP ang publiko na huwag tangkilikin ang mga iligal na paputok sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay para makaiwas sa disgrasya.