--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasa pangangalaga na ng Ilagan Sanctuary ang Serpent Eagle na nailigtas ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa Alicaocao overflow bridge.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCaptain Esem Galiza, Chief ng Provincial Community Affairs and Development Unit-IPPO na isang concerned citizen ang nagbigay impormasyon sa nakitang Serpent Eagle na kanilang narecover sa Alicaocao Overflow Bridge .

Mahinang mahina anya ang Serpent Eagle nang kanilang marescue dahil kasagsagan ng bagyo nang makita na inalagaan ng mga kasapi ng PNP Cauayan City ng tatlong buwan at nang malakas na ang Eagle ay saka ipinasakamay sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) .

Ang naturang serpent eagle ay ipinasakamay naman IPPO sa Ilagan Sanctuary .

--Ads--

Alam anya nilang maalagaan ang Eagle dahil ito ang pangalawang Serpent Eagle na kanilang ipinasakamay sa Ilagan Sanctuary.

Bahagi ng pahayag ni PCapt. Esem Galiza